Sunday, April 5, 2009

How he got Martina's creepy "YES". haha!

---------------------------
Dear Mr. Bob Ong,

Matagal ko na pong nililigawan itong chik na nakilala ko recently sa isang party.
Nasisiraan na ako ng bait. Pag nakilala mo siya, tiyak matutunaw ang utak mo sa
kakaisip sa kanya.Hingi lang po ako ng advice. Paano ko po siya mapapaibig?
Bibigyan ko ba siya ng tula? Haharanahin ko ba siya? Roses? Kalachuchi?
Chocnut at sampaguita?In lab na po ako. Ano po ang gagawin ko? Is she the one?

Lubos na gumagalang,
-MATT -

- ANG REPLY -


Dear MATT,

Hindi ka talaga sasagutin niyang nililigawan mo. Napaka-old school kasi ng mga tactics mo.
Wala nang gumagawa ng ganyan. Sa panahon ngayon, lahat ng bagay, nagtaas na.
Nagtaas na ang gasolina, nagtaas na ang presyo ng bigas at mga bilihin, nagtaas na ang pamasahe, at lalong nagtaas na rin ng standards ang mga babae.
Hindi na uubra yang siopao at suman mo. Lalo na yung huli mong binigay, hopia at santan. Ano ba pare? Ano’ng era ka ba pinanganak?

Pero don’t worry. It’s not too late. May pag-asa ka pa. Hindi pa naman siya kinakasal at di pa niya sinasagot yung crush niya na basketball player. Kahit lamang siya ng sampung paligo sa’yo, daanin mo sa utak at creativity. Dahil aminin na natin, iyon na LANG talaga ang pag-asa mo. Heto, bibigyan kita ng mga simple, tried and tested na mga regalo para di siya mapurga sa hopia at siomai. Sundin mo ‘to, tiyak na lalaglag ang bagang niya sa’yo. Mga medyo more than your usual regalong panligaw:

1. Bili ka ng century tuna. Ilagay mo sa isang napakalaking box—yung sinlaki ng TV o kaya box ng desktop PC mo. Tapos balutan mo ng magarang pambalot. Kuntsabahin mo na yung teacher niya sa Calculus. Sa gitna ng klase, bigla kang kumatok sa classroom. Pero dapat, incognito ka. Magsuot ka ng LBC jacket, magshades, at magsuot ng surgical mask. Pagpasok mo sa classroom, iabot mo yung box sa teacher, at papirmahin mo ng acknowledgement receipt. Tapos pabuksan mo in front of everyone. Tignan mong mabuti ang reaction sa mukha niya.

Later during the day, pag tinanong niya kung bakit Century Tuna ang binigay mo, iikot mo yung lata at ituro mo yung sign na “Omega 8.” Pag tinanong niya kung ano yung Omega 8, sabihin mo: “because you’re good for my heart.”

2. Mangolekta ka ng isang dosenang hanger na libre mong nakukuha tuwing nagpapa-dry clean ka. Tapos, sa bawat hanger, isulat mo: “I miss hanging out with you.”

3. Instead of roses, kuha ka ng tissue paper sa banyo ng school mo. Gawin mong tissue paper roses. Gawa ka ng isang dosena. Pag-abot mo, sabihin mo, “Ganito kalinis ang pag-ibig ko sa’yo.”

4. Bili ka ng tetra pack ng mantikang Minola. Tapos bilugan mo yung “with Omega 8.” Hindi na siya magtatanong kung bakit.

5. Bigyan mo ng ice cream cone. Dapat cone lang at walang ice cream. Pag hinanap niya yung ice cream, sabihin mo, “natunaw na kakatitig sa’yo.”

6. Bili ka ng sandosenang box ng crayola. Kolektahin mo lahat ng black. Lagay mo sa isang box ng crayola. Sa likod, isulat mo: “Walang kulay ang buhay kung wala ka.”

7. Bigyan mo siya ng mumurahing bumbilya. Alam mo na siguro by this time kung ano ang isasagot pag tinanong niya kung bakit.

8. Itext mo siya ng: “Hindi tayo tao, hindi tayo hayop, hindi tayo halaman. Bagay tayo. Bagay!”

9. Bigyan mo siya ng calling card ng MMDA. Sa likod, isulat mo “para pag nagkabanggaan ang puso natin.”

10. Padalhan mo ng Happy Meal pero huwag mong ibibigay yung libreng laruan. Paghinanap niya, sabihin mo: “Ako yung freebie, at ikaw yung meal na nagpapahappy sa’kin.”

11. Sunugin ang kanyang bahay at padalhan ng hallmark card: "aanhin mo pa ang bahay mo, kung matagal ka nang nakatira sa puso ko"

12. Pagkatapos sunugin ang kanyang bahay, padalhan siya ng isang box ng posporo, Guitar brand. unahan ang kanyang galit at sabihin, "ayan ang posporo na ginamit ko sa pagsunog ng iyong bahay, match na tayo"

13. Sa kalagitnaan ng isang malupit na bagyo, pasalubungan sya ng "salbabida", wag payong, o mainit na mami. Pag nagtanong bkt? ang isagot mo ay " ayaw kong malunod ka sa pag mamahal ko."

14. Pag pumayag na siyang makipagdate, dalhin mo siya sa canteen at huwag bibitawan ang kamay. Pag tinanong niya kung bakit, ituro mo yun sign na “don’t leave your valuables unattended”

Handang tumulong lagi,-Bob Ong-

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home

Jomar Alvin Gutierrez's Facebook profile
Maroon 5 Lyrics
I SEEM TO HAVE LOST MY VIRGINITY,MAY I HAVE YOURS?!!!!
rick astley lyrics
lyrics site

Do m0re than exist, live......
Do m0re than t0uch, feel.......
Do m0re than look, observe.....
Do m0re than read, absorb.......
Do m0re than hear, listen.........
Do m0re than think, ponder.......
Do m0re than talk, say something.........
It takes less time to do a thing right than it does to explain why you
did it wr0ng............

L0ve is patient and kind; it is not jealous or conceited or proud........
L0ve is not ill- mannered or selfish or irritable............
L0ve does not keep a record of wr0ngs.......
L0ve is not happy with evil, but is happy with the truth.....
L0ve never gives up; and its faith, hope and patience never fail......
There is faith, hope, love; and the greatest of them is LOVE....
L0ve delights in giving attention rather than in attracting it........
L0ve is flame that warms but never burns.....
L0ve sees the other persons point of view even when he cannot embrace it....
L0ve knows how to disagree without becoming disagreeable......
L0ve rejoices at the success of others instead of being envious.....
L0ve puts up with people's whims and pecularities without being self- righteous about it.......
L0ve avoids causing unnecessary pain..........
It does not scorn, ridicule, belittle or squelch.....
Instead, it tactfully inspires faith, hope and charity in those who make mistakes.......
L0ve is willing to lose in order to win..........